How to made a Beef Stew?

Ingredients:

1 kilong karneng baka (sirloin)

2 malaking sibuyas

2-3 kamatis

4-5 na patatas

2 siling pula (bell pepper)

2 dahon ng laurel

2 kutsarang toyo

2 kutsarang kalamansi

1 kutasarang pamintang buo

1 latang tomato sauce

1 latang guisantes

2 kutsarang bread crumbs.

Procedure:

Isang masarap na putahe ito na pinaka-simple ang pagluluto. Hindi na kailangan igisa. Matapos na hiwain ang karne sa di kalahating mga piraso,ilagay sa kaldero na kasama ang tinadtad ng sibuyas at kamati, paminta (bahagyang dinikdik), dahon ng laurel at kalahati ng sili ( hiwang pahabang makitid). Timplahan ng tuyo at kalamansi. Isabaw ang tomato sauce at isang tasang tubig. takpan at palukuin. Paminsan-minsan ay hahaluin. Kapag natuyuan ng sabaw at di pa malambot ang karne , dag dagan ulet ng (1)isang tasang tubig. Habang nagpapalambot ng karne, hiwa-hiwain ang patatas (sinlaki ng hiwa ng karne) prituhin at itabi

Sa huli, kapag malambot na ang karne, magkakasamang ihulog ang piniritong patatas,guisantes at ang natirang sili. Palaputin ang sabaw sa pamamagitan ng 2 kutsarang break crumbs.

TIP:Mas mainam kung ang maisasahog nyo sa Beef Stew ay maliliit na patatas (baby potatoes) at maliliit din na puting sibuyas. Hindi na kailangang balatan ang naturang patatas, hugasan lamang ng mabuti at isama sa nilulutong ulam nang buo. Buo din na isasama ang maliliit na sibuyas nguni’t ang mga ito ay aalisan ng balat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s